Tuesday, July 3, 2007

wow! wow na wow!

"pwede kong sumama sa baguio nun, ayoko lang din kase di maganda ung anu ko kay reychel. ask kase ko ni ate kanina kung di daw ba kami bati ni reychel. sabi ko oo, sabi ko wala lang napuno lang ako."

wow, ha? napuno ka sa'kin? baket, ano ba ginawa ko sa'yo? wala ata akong natatandaang masamang ginawa ko sa'yo, a! puro tulong at magandang pakisama nga ang ginawa ko. baket isisisi mo sa'kin ang hindi mo pagsama sa baguio? desisyon mo yan eh. ano pakialam ko dyan? saka sa pagkakatanda ko, ang dahilan na sinabi mo nung pinaplano pa lang ang baguiong yan eh ayaw mong sumama kase sawa ka na. pagbalik namin galing baguio, ang sabi mo naman, hindi ka sumama kase wala kang pera. eh bakit biglang ang inirarason mo eh napuno ka sakin? ako pa ang sinisi mo sa hindi mo pagsama? bigatin ka rin, noh?

"may mga pagkakataon kase na hinde sa lahat ng bagay nag aagree ako sa mga kilos at salita nya kaya lang tahimik lang ako at iniintindi ko lang sya dahil kaibigan ko... pero napuno lang ako."

teka muna, ha? hindi ka nag-a-agree sa mga kilos at salita ko? sample naman dyan! para naman ma-justify ang statement. iniintindi mo ko dahil kaibigan mo ko? para naman akong retarded nyan na kelangan ng pag-iintindi mo. ang pagkakaalam ko sa mga magkakaibigan eh kapag may nakita kang hindi maganda sa kaibigan mo, dapat sinasabi mo. kase kung hindi mo sasabihin, hindi ka nya kaibigan. isa ka lang sa mga taong nakakasalamuha nya sa araw-araw. kung may mali sakin, sabihin mo sakin ng derecho, hindi yung sa ibang tao mo pa sinasabi. buti ba sana kung sigurado kang hindi ko malalaman. at kung meron ka mang sasabihing mali sakin, mapa-ugali pa yan o kilos o pananalita o kung ano pa man, siguraduhin mo lang na kaya mong patunayang mali nga ako. dahil kapag alam kong tama ako, kahit saang argumento tayo makarating, ilalaban kong tama ako. tahimik ka lang at iniintindi mo ko? syet! kung tahimik ka, bakit may sinasabi kang ganito sa ibang tao? wow naman talaga!

"di naman away, kaya nga di ko na lang pinatulan eh kase ayoko ng away. yun problema sa kanya eh minsan wala din syang pakialam sa mga sinasabi nya basta gusto nya."

tangena, tara patulan mo na lang ako! away tayo! mas masaya nga yan eh. awayin mo ko kesa sinisiraan mo ko ng ganito sa ibang tao. oo, aminado ako, may mga pagkakataong masakit akong magsalita sa kapwa ko. pero hindi yun para makasakit ng damdamin ng iba. nagkataon lang na ako ang may lakas ng loob magpa-realize sa tao kung ano sya o kung ano ang ginagawa nya. prangka kung prangka. ipinanganak akong prangka. hindi ko alam kung sumpa yan o ano. pero bakit naman ako magpapakitang gusto ko ang nakikita ko kung sa totoong buhay naman eh hindi? hindi sa wala akong pakialam kahit makasakit ako. ang totoo nga, may pakialam ako kaya mas pinipili kong isakripisyo ang posibilidad na magalit sa akin ang mga tao sa paligid ko dahil sa kung paano ako magsalita. kesa naman magpapakita ka ng pagkagiliw sa isang tao pero sa loob mo naman eh isinusuka mo sya. at pagtalikod nya, kung anu-ano ang sinasabi mo. siguro naman, alam mo kung ano ang sinasabi ko dahil ganyan ka eh. di ba, ganyan ang ginawa mo sa'kin sa statement mo na yan?

"di lahat ng tao kayang pagsalitaan ng ganun. maswerte sya yung ibang tao di sya pinapatulan. mga unang buwan ko pa lang napansin ko na yan. di naman kase sya ganyan date eh. ewan ko ba kung yumabang sya o anu... "

wow, eto, panalo to. sobrang panalo. mga unang buwan mo pa lang, napapansin mo na yan? unang buwan dito sa trabaho mo? naakkksss... sana bago ka nagsalita ng ganyan, naisip mo muna na kung hindi dahil sa'kin, wala ka sanang "mga unang buwan"sa lugar na kinatatayuan mo. hindi ako mahilig manumbat, pero dahil sa ginawa mo sakin, sige, sumbatan na lang tayo. kung hindi dahil sakin, ewan ko lang kung may trabaho ka ngayon. kung hindi sa trabahong iginapang kong maibigay sayo, siguro hanggang ngayon, nangungutang ka pa rin sakin paminsan-minsan ng pambili ng gatas ng anak mo. potah, natatandaan mo bang dati eh tinetext mo pa ko para mangutang ng pera dahil wala kang pabmili ng gatas? at ako naman si gaga na sobrang mabait kahit ginagamit na pala, ite-text back ka para sabihing sige, dumaan ka dito sa office at kunin mo ang pera. punyeta. asan ba ang utak ko ng mga panahong yun? tama nga atang sabihin na masyado akong mabait. o, hindi yan sobrang pagbilib sa sarili. isa lang yang katotohanan. tanggapin mo man o hinde. at hindi ako mayabang. alam ko ang limitasyon ko. ang mayabang, yung mga taong ibabaon ang sarili sa kompromiso para lang magkaroon ng mga bagay na nakikita nya sa iba. na pipiliting magkaroon ng bagay na hindi naman importante sa buhay dahil lang uso. hindi ko na kelangan ipaliwanag yan. harap ka lang sa salamin, alam mo na ang kabuuan ng sinasabi mong mayabang.

"yun nga eh. di nya sinabi ng deretsa. sa friendster pa nya pinost. alam ko namang para saken un eh."

o,ano naman ang pakialam mo kung ano ang ipinost ko sa friendster ko? friendster ko yun eh. karapatan kong maglagay ng kahit anong crap dun. may palagay akong "prioritize. obligations before pleasure" ang tinutukoy mo. o eh ano naman ang masama dyan? under normal circumstances eh hindi mo lang papansinin yan. baka nga mag-agree ka pa. pero dahil may isyu tayong dalawa tungkol sa isang bagay na pwedeng maka-relate sa statement na yan eh masyado mong pinersonal. baket? dahil guilty as charged ka? dahil meron ka nga talagang obligasyon na dapat mong i-prioritize pero hindi mo ginagawa kaya apektado ka sa statement?

"kaya nga. kaya nga malakas ang loob nya. di naman dapat ganun eh. kaya imbes na patulan ko tumahimik na lang ako."

eh kagaya nga ng sinabi ko, patulan mo na lang ako! leche, kahit saan tayo dumating, lalabanan kita. tumahimik? masyado mong pinainit ang ulo ko sa statement na 'to. tahimik ba ang tawag sa taong kung anu-ano ang sinasabing masama tungkol sa'kin sa likod ko? sa totoo lang, alam kong umpisa pa lang ng conflict natin na ikaw ang nag-create eh nagtataka na ang mga tao sa paligid kung bakit tayo nagkaganito. kung tutuusin, pwede kong ikwento sa lahat kung baket. pero hanggang sa kahuli-hulihang sandali, nanaig sa'kin yung pagkakaibigan natin. sabi ko sa sarili ko, maaayos pa 'to. isa lang 'to sa mga episodes. pinili kong wag magkwento o mag explain sa kahit na sino dahil alam kong kailangan kong sabihin sa kanila kung ano ang puno. kung ano ang dahilan. at kasiraan mo yun. ayokong masira ka sa mga tao kaya tumahimik ako. tapos, malalaman kong sa likod pala ng pagtahimik mo eh nag-iingay ka rin. at ako ang sinisira mo. yan, yan ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo sakin. yan ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon.

"tungkol sa pera un eh. kaya ko humihiram sayo. di ba nag ca ako ng 10k? yung iba binayad ko sa kanya."

eto na. eh di dumating din tayo sa ugat ng lahat. PERA. marami nang taong nagkasiraan dahil sa punyetang pera na yan. sana man lang, nung sinabi mong tungkol sa pera ang pinag-umpisahan ng conflict natin eh ipinaliwanag mo kung baket pera. eh sa statement mo, parang ako pa yung mukhang pera eh. parang ako pa yung may problema. sana, sinabi mo na kaya tayo may problema sa pera eh dahil ilang taon mo na ring ginagamit ang credit card ko at dumating sa puntong hindi ka na makabayad. at dahil nga sabi ko eh mabait ako, gumawa ako ng paraan para makatulong pa rin sayo para makabayad ka kahit papa'no. pinautang ulit kita. oo, pwede mong isumbat sakin na hindi ko naman pera yung ipinahiram ko sayo para makabayad ka ng utang mo sa credit card ko. pero sino ba ang taong nag-provide ng instant solution sa problema? ano ko ba sya? tutulungan ka ba nya kung hindi dahil sa'kin. sampung libong piso. cash in an instant. halos isang taong hindi man lang nakapagbayad kahit singko. yung mahigit sampung libong pisong balanse pa ng credit card, ginawan ko pa rin ng paraan para maging hindi masyadong mabigat ang pagbabayad mo. dumating ang oras ng singilan. tapos magagalit ka dahil siningil ka? wow naman. ang labo naman yata nun. buti man lang sana kung nagkukusa kang kausapin ako para sabihing hindi ka muna makakabayad kase bumili ka ng ganto, bumili ka ng ganyan. eh di wala sanang problema. ang kaso, nagwalang kibo ka lang na parang wala kang dapat bayaran. kung ayaw mo palang bayaran yun ng isang bagsakan, eh di sana hinulug-hulugan mo. sa loob ng isang taon, ewan ko na lang kung hindi mo mabayaran yun ng paunti-unti. pero hindi eh. hindi mo naisip yun. ibang klase ka rin kase. nakakapamuhay ka ng klase ng buhay na hindi mo naman kaya financially. kalahati ng buhay mo, umiikot sa utang. wala akong pakialam kung san mo dinadala ang pera mo. pera mo yan eh. ang concern ko lang nung mga panahon yun eh makuha yung dapat kong makuha. tutal, utang naman yun eh. lahat naman ng utang, dapat binabayaran, hindi isinasawalang bahala. ang dami kong naitulong sayong tao ka. tao ka nga ba? eh bakit pagkatapos ng lahat-lahat, ako pa ang masama sa paningin mo? nasingil ka lang, nagalit ka na? bilib din naman ako sa kapal mo.

ayan, masakit yan di ba? masakit na mga salita yan. at ako lang ang may lakas ng loob na magsabi nyan sayo. wala eh. ganyan talaga ko. sorry ka na lang. mali ako? patunayan mo! granted na masakit nga akong magsalita. pero salita lang yan. walang-wala yan kung ikukumpara sa mga masasakit na bagay na ginagawa mo.

bale-wala sa'kin yung harap-harapang pambabastos mo sakin. kahit nagpapaalam ka sa lahat ng tao pag uuwi ka na, sa lahat ng tao bukod sakin, kahit pag nasa isang lugar ka at dumating ako eh umaalis ka, kahit tinatrato mo 'kong bulletin board at pag may gusto kang sabihin sakin eh isinusulat mo lang sa kapirasong papel at ipapatong sa table ko, kahit pinagdadabugan mo ko na akala mo kung sino ka, kahit gumagawa ka ng eksena sa harap nila, kahit marami kang ginagawang mga bagay na kung tutuusin eh pwede kong ikagalit sayo, wala lang sakin yan. hindi ako papatol sa mga ganyang bagay. hindi yan sapat na dahilan para magalit ako. kung tutuusin, pwede nating resolbahin tong problemang to ng tayong dalawa lang. pero paano naman yun kung gumagawa ka ng mga bagay na nakikita ng mga taong hindi tayo ok? sabi mo, ksp ako? shit ka. sino kaya sa ating dalawa ang ksp? mag-isip ka! pero sa totoog buhay, kahit ganto lang ako, maintindihin akong tao. ganyan ka eh. ganyan ang asal mo. wala akong magagawa dyan. diskarte mo yan kumbaga. pero yung siraan ako sa ibang tao, at palabasin na sa sitwasyong kinalalagyan natin eh ako ang masama at ikaw ako ang mabuti, na ikaw ang inaapi ang ako ang nang-aapak sayo, aba eh ibang usapan na yan. bastusin mo na 'ko, wag mo lang akong sisiraan sa likod ko. dahil sabi ko nga, yan ang pinakamalaking pagkakamali mo. saka sa susunod, kung magsasabi ka ng mga masasamang bagay tungkol sakin, maging consistent ka naman. eh sa bawat taong nakakausap mo, iba-ibang bagay ang sinasabi mong rason ng alitan natin, eh. eh kahit sa ibang tao, hindi mo kayang ma i-justify yung mga ginagawa mo. sakin pa kaya? katatawanan kang masyado.

kung nasan man tayo ngayon, sino kaya ang masisisi natin? ako, tuloy lang ang buhay ko. wala namang nawala sakin eh. wala ka namang naitutulong sakin kung sa tulong at tulong lang din naman ang pag uusapan. ikaw, sa ginawa mo sakin, malaki ang nawala sayo. nawalan ka ng kaibigang consistent sa pagtulong sayo. na parating andyan pag kailangan mo. sino sa'tin ang talo?

ang sabi mo, masakit akong magsalita? at least ako, masakit akong magsalita ng harapan. kung iisipin, alin ba ang mas masakit? yung magsalita ka ng masakit sa harap ng kapwa mo o yung pagsalitaan mo sya ng masakit sa likod nya? mas gusto ko na ata yung kung ano ako kesa sa kung ano ka.

nakakaawa. kawawa ang mga taong nagiging malapit sayo ngayon. dahil wala silang kamalay-malay na sometime soon eh gagamitin mo rin sila kagaya ng paggamit mo sakin. na sumasama ka lang sa kanila dahil wala ka nang makasamang iba. at pag dumating ang point na hindi mo na sila kailangan dahil may iba ka nang magagamit eh iiwanan mo na lang. babale-walain. tatratuhin na parang basura. pathetic nga eh. yung mga taong kinakaibigan mo ngayon, sila yung mga isinusuka mo dati. para kang asong kumakain ng sariling suka. gaano kaya katagal bago nila ma-realize kung anong klaseng tao ka talaga? ako, matagal bago kita nakilala. eh sila kaya? ilang taon? kung alam lang nila yung mga pinagsasasabi mo tungkol sa kanila nung mga panahong hindi ka pa galit sakin. ikaw pa talaga ang may ganang magalit eh, noh? kakaiba ka. nakakabilib.

"Everything that has happened between us i already lifted up to the lord. I prayed for you to be happy and hope that you really are happy. Everything has been said and done. All the things you said about me will never be erased in my heart and in my mind. After praying and with the support of my friends, I have forgiven you. But as they said time heals all wounds. No matter how hard it is for me to forgive you,i have forgiven you. And as you said it, we're Ex-friend now??? So be it."

wow! pinatawad mo na ko? yan naman ang pinaka-wow sa lahat. ang tigas mo naman talaga para sabihing pinatawad mo na ko. unang-una, ang mga taong pinapatawad eh yung mga humihingi ng tawad. at hindi ako yun. mas malamang pa ngang ikaw dapat yun eh. hindi ko kelangan ng kapatawaran mo dahil wala akong kasalanan sayo. ang kasalanan ko lang eh siningil kita sa utang mo. yun naman talaga ang pinag umpisahan ng lahat ng kalechehang to eh. ang pagsingil sa utang. kung kasalanan ko nga yan, hindi ko pa rin kelangan ng kapatawaran mo. mas bagay sigurong patawarin mo ang sarili mo sa lahat ng pinaggagawa mo sakin. and you prayed for me to be happy? wow naman. papasayahin ako ni lord kahit hindi mo ipag-pray yan. dahil alam ni lord na wala akong tinapakang tao. wala akong siniraan. ang mga nasabi ko tungkol sayo eh nasabi ko lang dahil sa pagdepensa sa sarili kong tinangka mong sirain. ang masasabi ko lang, kung nasan man tayong dalawa ngayon, hindi ako ang nagdala sa atin dito. hindi naman tayo aabot sa ganito kung nag-isip ka lang. sabi nga nila, astig ako pero malambot ang puso ko. alam ko ang hangganan ko. marunong akong tumanggap ng pagkakamali kung nakikita kong mali ako. hindi mahirap sakin ang humingi ng pasensya kung kinakailangan. pero hindi ako. wala akong kasalanan sayo. ikaw. ikaw ang nagdala satin dito kaya ikaw din ang may kakayahang ibalik ang lahat sa dati kung gugustuhin mo. pero sa tingin ko, ayaw mo na nun. dahil kung gusto mo nun, matagal na sana. napagsabihan ka minsan na sana, maayos pa natin to. ang sabi mo, siguro kapag wala ka nang utang sakin at sa taong malapit sakin na pinagkakautangan mo rin, yun, baka maayos. kaululan yan. kung nung may utang ka nga sakin, pinagmamalakihan mo 'ko, ngayon pa kayang bayad ka na? kita mo, hanggang sa huling sandali, tama pa rin ako. pagkatapos ng mahabang panahon, nagpakilala ka rin sakin. all the things i said about you will never be erased in your heart and in your mind? well, good for you. at least, pag gusto mo ulit mangtarantado ng kapwa mo eh meron kang bagay na pwedeng isipin bago mo gawin yun.

ok na ko. tapos na ang palabas. wala na kong sasabihin pa tungkol sa yo at sa sitwasyon. for me, you simply don't exist. not almost, but completely.

No comments: